Seguridad sa Ateneo hinigpitan dahil sa bomb threats
Mas mahigpit na seguridad ang ipinatutupad sa Ateneo de Manila University mula Linggo ng gabi matapos makatanggap ang pamantasan ng bomb threats galing sa social media.
Sa pahayag sa Twitter ng The Guidon, ang official student publication ng ADMU, pinayuhan ang Ateneo Community na manatiling kalmado.
Tinitiyak na umano ng Campus Security and Mobility Force ang seguridad sa pamantasan.
Samantala, hindi naman sususpendihin ang klase at trabaho ngayong araw.
Ang sinasabing bomb threats mula social media ay natanggap ng unibersidad matapos ang mga ulat ng umano’y sexual harassment ng ilang faculty members.
JUST IN: The Sanggunian has advised the community to stay calm in light of the anonymous online threats against the University. The Campus Security and Mobility Office will enforce strict security measures starting tonight. Classes and work are not suspended tomorrow, October 28. https://t.co/1bcMqba2Cf
— The GUIDON (@TheGUIDON) October 27, 2019
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.