Sa isang statement araw ng Linggo, pinayuhan ang mga Filipino na huwag munang tumungo sa nasabing bansa sa gitna ng madudugong kilos-protesta.
Partikular na hindi pinapapunta ng Iraq ang mga personnel ng non-government organizations (NGOs) na magsasagawa sana ng humanitarian projects at ang mga mayroong speaking engagements.
Ayon sa DFA, kung sakali namang hindi pwedeng kanselahin ang biyahe, dapat isaalang-alang ng mga Pinoy ang curfew na ipinatutupad sa iba’t ibang bahagi ng Iraq.
Pinaiiwas din ang mga Pinoy sa pagbook ng biyahe partikular sa airports ng Baghdad, Basra at Kurdistan Region lalo na kung madaling-araw at ‘late night’.
Hanggang araw ng Linggo, 63 na ang nasawing ralyista sa Iraq batay sa datos ng isang semi-official ng Iraq High Commission for Human Rights.
Daan-daang demonstrador pa rin ang nananatili sa Tahrir Square sa Baghdad.