2 patay, 14 sugatan sa shooting incident sa Texas, USA

By Angellic Jordan October 27, 2019 - 10:03 PM

Hindi bababa sa dalawang katao ang nasawi habang 14 iba pa ang nasugatan sa shooting incident sa Texas, United States araw ng Linggo.

Ayon sa pulisya, naganap ang pamamaril sa kasagsagan ng homecoming party sa A&M University-Commerce sa bahagi ng Greenville.

Hindi pa alam ng mga otoridad kung sino ang nasa likod ng pag-atake.

Nagparating ng panalangin ang pamunuan ng unibersidad sa mga pamilya at kaibigan ng mga biktima.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon kung ano ang motibo sa pamamaril.

TAGS: A&M University-Commerce, Greenville, Texas, united states, A&M University-Commerce, Greenville, Texas, united states

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.