VP Robredo, dismayado sa pagbasura sa P267M ill-gotten wealth case sa pamilya Marcos

By Angellic Jordan October 27, 2019 - 09:32 PM

Inihayag ni Vice President Leni Robredo ang pagkadismaya sa pagbabasura ng Sandiganbayan sa P267-million ill-gotten wealth case laban sa pamilya Marcos.

Ibinasura ng Sandiganbayan 4th Division ang kaso laban kay dating Pangulong Ferdinand Marcos at dating unang ginang Imelda Marcos dahil may depektong nakita sa mga ebidensyang inihain ng prosekusyon sa kaso.

Sa kaniyang radio program, sinabi ni Robredo na nakakadismaya ang naging dahilan sa pagbasura sa kaso.

Nakasaad aniya sa desisyon na sobrang labo na ng isinumiteng kopya ng ebidensya dahilan kaya hindi na makikita kung authentic itong kopya ng orihinal na dokumento.

Giit ni Robredo, ang mahalaga ay kung ano ang totoong nangyari sa kaso.

Kung mayroon aniyang depekto ang dokumento, kailangang mas pagtuunan ng atensyon para malaman ang laman ng dokumento.

Nakakapanlumo aniya dahil ang pinag-uusapan sa kaso ay pera ng taumbayan.

TAGS: dating Pangulong Ferdinand Marcos, ill-gotten wealth case, Imelda Marcos, pamilya Marcos, sandiganbayan, Vice President Leni Robredo, dating Pangulong Ferdinand Marcos, ill-gotten wealth case, Imelda Marcos, pamilya Marcos, sandiganbayan, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.