Sultan Bolkiah, Indonesian Pres. Widodo pinakakalma ng Palasyo ukol sa kalusugan ni Pangulong Duterte

By Chona Yu October 27, 2019 - 07:14 PM

Pinakakalma ng Palasyo ng Malakanyang sina Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei at Indonesian President Joko Widodo na nag-aalala sa lagay ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na maayos naman ang lagay ng pangulo kahit na nakararanas ng muscle spasm bunsod ng aksidente sa motorsiklo may ilang araw na ang nakararaan.

Ayon kay Panelo, nasa Davao ang pangulo at nagpapahinga.

Sa Lunes, October 28, mayroon aniyang mga nakapilang aktibidad ang pangulo na kinakailangan niyang daluhan.

“Hindi na tayo nagtataka sa kanilang concern kasi nga hanga sila sa presidente, hanga sila sa katapangan niya, sa kaniyang political will sa kaniyang mga ginagawa para sa ating mga kababayan. Natural lamang ‘yun na magkaroon ng concern. But we assure them, the president assures them, Mayor Sara who represented the president assured them na okay si presidente. Hindi siya gumagawa ng anumang hakbangin na makakadagdag sa kaniyang karamdaman. Siya ay nagpapagamot,” pahayag ni Panelo.

Wala na aniyang balak ang Palasyo na maglabas pa ng medical bulletin dahil hindi naman maselan ang lagay ng pangulo.

“Hindi na kasi ang constitutional requirement gaya na paulit-ulit ko nang sinabi, ‘yun eh kung nasa maselang kalagayan ang presidente na sinabi na muscle spasm lang yun. Ibig-sabihin, hindi life threatening. Saka nakita nga natin na pagkababa niya sa airport dumeretso kaagad siya sa wake, pagkatapos nag-motorsiklo pa pagdating sa Malacañang, diba? So ibig-sabihin okay si presidente,” ani Panelo.

Bukod sa muscle spasm, nakararanas din si Pangulong Duterte ng lower back pain, Myasthenia Gravis na isang chronic neuromuscular disorder at Berger’s disease.

Gumagamit na rin si Pangulong Duterte ng air purifier para hindi mahawa ng sakit at tungkod dahil sa pananakit ng katawan.

TAGS: Brunei, Indonesian President Joko Widodo, muscle spasm, Rodrigo Duterte, Salvador Panelo, Sultan Hassanal Bolkiah, Brunei, Indonesian President Joko Widodo, muscle spasm, Rodrigo Duterte, Salvador Panelo, Sultan Hassanal Bolkiah

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.