Malakanyang, nagpasalamat sa serbisyong-publiko ni Carpio

Nagpapasalamat ang Palasyo ng Malakanyang kay retired Senior Associate Justice Antonio Carpio sa serbisyong ipinagkaloob sa bayan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na hanga ang Palasyo kay Carpio kahit na kakaiba ang posisyon nito sa West Philippine Sea sa kasalukuyang administrasyon.

“Well, we wish him well sa kaniyang bagong chapter sa kaniyang buhay. He has served this country well. Naging mahusay at matino siyang justice, so we commend him for that. Hindi lang tayo nag a-agree dun sa kaniyang mga position dun sa WPS. But then, it’s a free country. Gaya ng sinabi natin, may karapatan siyang mag-criticize, magbigay ng mga mungkahi. Ang mahalaga eh yung kaniyang posisyoon kahit kontra sa posisyon eh yun naman eh eh base sa pagmamahal niya sa bayan. Okay na yun,” pahayag ni Panelo.

Ayon kay Panelo, marapat lamang na ituloy ni Carpio ang paglaban sa West Philippine Sea (WPS).

“Eh dapat lang naman sapagkat alam mo ang isang tao kapag may prinsipyo palaging dapat ipagpatuloy kahit anuman ang kalagayan niya o sitwasyon niya sa buhay. Hanggang nabubuhay, dapat ituloy lang niya iyun hanggang magkaroon sya ng enlightenment,” ani Panelo.

Nasa pagpapasya na rin aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte kung kukuning consultant si Carpio o bibigyan ng puwesto sa pamahalaan.

Nagretiro si Carpio noong October 26 matapos sumapit sa mandatory retirement age sa judiciary na 70.

18 taon na nagsilbi si Carpio sa sangay ng hudikatura.

Read more...