Isang lider ng ISIS, pinaniniwalaang nasawi sa raid sa Syria

By Angellic Jordan October 27, 2019 - 06:29 PM

Pinaniniwalaang nasawi ang sinasabing lider ng Islamic State group na si Abu Bakr al-Baghdadi sa isang military raid sa Syria.

Batay sa ulat, inihayag ng isang opisyal sa Estados Unidos na nasawi ang target sa raid si al-Baghdadi sa bahagi ng Idlib province.

Wala pa naman ibang inilabas na impormasyon ang mga otoridad ukol sa operasyon.

Ginamit sa operasyon ng U.S. Special Ops mission ang ilang helicopter, jet at drone na nagpaulan ng bala laban sa target.

Mayroon ding napaulat na iba pang nasawi sa operasyon.

Samantala, sa Twitter, inihayag ni U.S. President Donald Trump na mayroong malaking nangyari.

Sinabi ni White House spokesman Hogan Gidley na maglalabas ng pahayag ang pangulo bandang 9:00 ng umaga, oras sa Amerika.

TAGS: Abu Bakr al-Baghdadi, ISIS, syria, Abu Bakr al-Baghdadi, ISIS, syria

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.