6 patay, 20 sugatan sa pagbangga ng trak sa simbahan sa Zambaonga del Sur

Credit: Google

Patay ang anim katao habang sugatan ang 20 iba pa sa pagbangga ng trak sa isang simbahan sa Zamboanga del Sur, Sabado ng hapon.

Bumangga ang trak sa simbahan ng Iglesia Ni Cristo sa bahagi ng Barangay Limonan sa San Miguel.

Ayon kay Capt. Roger Bartiana, hepe ng San Miguel police, dead-on-the-spot ang tatlong biktima habang nasawi naman kalaunan sa ospital ang tatlong iba pa.

Nasa kabuuang 50 ang sakay ng trak na pauwi na sana sa bayan ng Tabina matapos dumalo sa isang kasal.

Wala namang nasaktan sa mga tao na nasa loob ng simbahan.

Read more...