Number coding, suspendido sa Oct. 31, Nov. 1 at 4
Suspendido na ang number coding sa lahat ng sasakyan sa November 1 habang sa mga provincial bus naman sa October 31 at November 4, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon sa ahensya, layon nitong ma-accommodate ang maraming bilang ng mga pasahero pauwi ng iba’t ibang lalawigan.
Nauna nang sinabi ng ahensya na nasa 2,300 MMDA personnel ang ipakakalat mula October 30 hanggang November 4 para umasiste sa mga motorista at pasahero.
Ipatutupad din ang “no day-off, no absent” policy sa lahat ng MMDA traffic enforcer.
Nakahanda rin ang Traffic Discipline Office ng ahensya sa iba’t ibang bus terminal sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.