FEU, pasok na sa Final Four matapos matalo ang UE sa iskor na 82-58

By Angellic Jordan October 27, 2019 - 06:27 PM

Pasok na sa Final Four ang Far Eastern University (FEU) matapos matalo ang University of the East (UE) para sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament.

Nagwagi ang Tamaraws kontra sa Red Warriors sa iskor na 82-58.

Umarangkada ang FEU sa ikalawang bahagi ng laro dahilan para matambakan ang UE.

Pinangunahan ni Wendell Comboy ang laro sa iskor na 17 points at 4 rebounds habang si Royce Alforque naman ay nakapagtala ng 13 points at 3 assists.

Natapos ang FEU sa elimination round na may 8-6 win-loss record.

Inihayag ni FEU head coach Olsen Racela na hindi sila makapaniwala na nakapasok sila sa Final Four.

Hindi aniya marami ang naniniwala na kaya nilang manalo maliban sa kanilang koponan at FEU community.

TAGS: FEU, UAAP Season 82, ue, FEU, UAAP Season 82, ue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.