Bahay ni Sonny Parsons sa Marikina City, pinasok ng mga magnanakaw

By Dona Dominguez-Cargullo January 14, 2016 - 08:48 AM

10632752_546131048846568_1765710531262137069_nArestado ang dalawang lalaki matapos pasukin ang bahay ni dating actor-singer Sonny Parsons sa Marikina City.

Nakita ng mga kapitbahay ni Parsons ang mga suspek na nakilalang sina Rey Vergara, 32 anyos at Angelo Chua, 26 anyos nang sila ay pumasok sa bahay ng aktor kahapon ng alas 5:00 ng madaling araw bago pa magliwanag.

Dahil dito, inabangan na ng mga kapitbahay ni Parsons ang paglabas ng dalawa at saka sila nagtulong-tulong na dakpin ang mga ito.

Wala si Parsons sa kaniyang bahay nang maganap ang panloloob.

Ayon sa Marikina City Police, nakuha mula sa mga suspek ang cellphone na nagkakahalaga ng P10,000 na kinuha nila sa loob ng bahay ni Parsons.

Noon lamang Sabado, napasok din ng mga magnanakaw ang bahay ni Parsons at natangay ang mga pera at alahas na nagkakahalaga ng P364,000.

Sinabi ni Parsons na mula noong Sabado, naka-alerto na siya at ang mga residente sa lugar dahil alam nilang babalik ang mga magnanakaw.

Taong 2002 nang looban din ang bahay ni Parsons ng dalawang lalaki kung saan itinali pa ng mga suspek ang kaniyang pamilya, pero nabaril at napatay ni Parsons ang dalawang salarin.

TAGS: sonny parsons house robbed anew, sonny parsons house robbed anew

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.