Bilang ng mga paalis na pasahero sa mga pantalan, umabot na sa halos 25,000

Ilang araw bago ang paggunita ng Undas, nagsimula nang dumagsa ang mga pasahero sa mga pantalan.

Umabot na sa halos 25,000 ang bilang ng mga paalis na pasahero sa iba’t ibang pantalan sa bansa.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nasa kabuuang 24,971 na ang outbound passengers mula 12:00 ng madaling-araw hanggang 6:00 ng umaga, araw ng Linggo (October 27).

Nakapagtala ng pinakamaraming pasahero sa Central Visayas na may 6,502 na pasahero.

Sinabi naman ng PCG na patuloy silang magbabantay sa mga pasahero kasabay ng “Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2019” ng Department of Transportation (DOTr).

Read more...