Taguig, numero uno sa anti-polio vaccination program ng DOH
Kinilala ang pamahalaang lungsod ng Taguig sa pangunguna sa pagpapatupad ng ‘Sabayang Patak kontra Polio’ campaign ng Department of Health (DOH).
Sa ika-11 araw ng 14-day vaccination program, nakakuha ang Taguig City ng 102 percent rating, ang pinakamataas sa hanay ng ibang lokal na pamahalaan sa Metro Manila.
Ayon kay Dr. Jennifer Lou de Guzman, ang city immunization program director, 98,866 na residente ng lungsod ang kanilang nabakunahan at naberipika na ito ng DOH at World Health Organization (WHO).
Sinabi pa nito na nang ianunsyo ng DOH ang polio outbreak sa bansa, agad silang nagbigay ng oral poliomyelitis sa barangay health centers at sa bawat bahay sa may mga may edad hanggang 59.
Nagsagawa din sila ng re-orientation sa kanilang mga health workers para sa tamang pagbibigay ng anti-polio vaccine.
Bukod dito, nagbibigay din ang Taguig LGU ng libreng bakuna kontra hepatitis B, tetanus diptheria, tigdas at influenza, maging para sa proteksyon sa cervical cancer sa mga kababaihan at pneumococcal vaccines para sa mga senior citizens.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.