Taiwanese national, timbog matapos ireklamo ng panggagahasa sa dalagita sa Malate, Manila

By Noel Talacay October 27, 2019 - 05:13 AM

Arestado ang isang Taiwanese national matapos itong ireklamo ng panggagahasa sa isang menor-de-edad na babae sa Malate, Manila.

Sinalakay ng Special Mayor’s Team (SMART) ang condo unit ng suspek na si Wei Tang Yao sa lungsod ng Manila dahilan upang maaresto ito.

Ayon kay SMART chief Police Major Rosalino Ibay Jr., isang “Gina”, umano ang nagpakilala sa biktimang 16-anyos sa suspek.

Inamin naman ng suspek na kilala nito si “Gina” ngunit mariing itinanggi na ginahasa niya ang dalagita.

Nakakuha rin ang mga otoridad ng apat na sachet ng shabu sa loob ng condo unit ni Yao.

Naharap ang suspek sa patong patong na kaso kabilang na ang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 200.

Samantala, inilagay na sa kustodiya ng SMART’s Women’s Protection Desk ng Maynila ang bikitma.

TAGS: SMART chief Police Major Rosalino Ibay Jr., SMART’s Women’s Protection Desk, Special Mayor’s Team (SMART), Taiwanese National, Wei Tang Yao, SMART chief Police Major Rosalino Ibay Jr., SMART’s Women’s Protection Desk, Special Mayor’s Team (SMART), Taiwanese National, Wei Tang Yao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.