Tinupok ng apoy ang aabot sa 160 na mga bahay sa Sitio San Isidro Labrador, Barangay Quiot, Cebu City.
Ayon kay SFO2 Lowel Opolentisima, fire investigator ng Cebu City Fire Department, naganap ang sunog kagabi na umabot pa sa task force alpha.
Pawang gawa sa light materials ang mga bahay sa lugar kaya mabilis na kumalat ang sunog.
Wala namang nasaktan sa naganap na sunog pero tinatayang aabot sa isang milyong piso ang halaga ng tinupok ng apoy.
Nagsimula ang sunog sa bahay ni Valeria Ogahayon at inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.
MOST READ
LATEST STORIES