Ilang bahagi ng Bohol, siyam na oras na mawawalan ng kuryente bukas (Oct. 28)

Inihayag ng pamunuan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na magsasagawa ng maintenance activities sa kanilang pasilidad na nakatayo lalawigan ng Bohol sa Lunes, Oct. 28.

Base sa abiso ng NGCP tatagal ng siyam na oras na walang kuryente ang ilang bahagi ng Bohol sa magsisimula ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Ayon sa NGCP, ito ay ang taunang maintenance sa pasilidad ng Corella-Cortes-Maribojoc Feeder high-voltage equipment at protection system.

Dahil dito apektado ang mga customer ng BOHECO I, isang electric cooperative sa Bohol.

Tiniyak naman ng pamunuan ng NGCP na bibilisan nila ang paggawa upang maibalik ang supplay ng kuryente na mas maaga sa nakatakdang power restoration.

Read more...