Masayang ipinagdiwang ng LGBTQ+ community ng Taiwan ang kauna-unahang selebrasyon ng pride parade mula nang maisa-legal ang same-sex marriage sa bansa na nagtala ng makasaysayang pangyayari sa buong Asya dahilan para mas maging espesyal sa bawat isang nakilahok ang naturang okasyon.
Tinatayang mahigit 200,000 kataong nagwawagayway ng rainbow flag ang nag martsa sa lungsod ng Taipei sa nasabing bansa bilang pakikiisa sa nasabing parade.
Matatandaang noong buwan ng Mayo napahintulutang maging legal ang same-sex marriages sa Taiwan at mula noon ay umabot na sa 2,000 ang mga same-sex couples ang nagpakasal.
Ang Taiwan ay ang kauna-unahang bansa sa Asya na naisa-legal ang same-sex marriage.
Gayunman, ay nagpapatuloy pa rin ang mga sari-saring opinyon ukol sa issue ng same-sex equality sa naturang bansa.