Jayson Castro maaaring hindi makapaglaro sa SEA Games dahil sa injury – Cone

By Noel Talacay October 27, 2019 - 02:03 AM

Hindi na umaasa si Gilas Coach, Tim Cone na makapaglalaro ng basketball si Jayson Castro sa koponan ng bansa para sa Southeast Asian Games.

Ito ay matapos magkamit ng injury sa paa dahil sa paglaro nito sa kanyang koponan na TNT sa ginaganap na PBA Governors’ Cup noong Friday, Oct. 25.

Ayon kay Cone, kung magpapahinga si Castro ng lima o anim na linggo, hindi na aabot ito sa gagawin nilang training.

Aniya maaaring makarekober si Castro sa kanyang injury, pero tatlong araw nalang ito bago magsimula ang torneo.

Subalit, sinabi ng Gilas Coach na ang paglaro muli ni Catsro sa Gilas ay nakadepende sa opinion ni Dr. Jose Raul Canlas, isa sa mga kilalang sports medicine expert.

Pahayag pa niya na makikipag usap muna siya kay Dr. Canlas bago siya gumawa ng desisyong kung maglalaro ba si Castro sa Gilas o Hindi na.

TAGS: Dr. Jose Raul Canlas, Gilas Coach Tim Cone, Jayson Castro, sea games, Dr. Jose Raul Canlas, Gilas Coach Tim Cone, Jayson Castro, sea games

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.