PUJ Driver sugatan sa aksidente sa Commonwealth Ave

By Ricky Brozas January 14, 2016 - 07:59 AM

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Nasugatan ang isang driver ng pampasaherong jeep sa aksidenteng naganap sa bahagi ng Philcoa sa Commonwealth Avenue, Quezon City, Huwebes ng umaga.

Ayon kay MMDA traffic constable Ascer Caballer, nagtamo ng putok sa kaniyang ulo si Felimar Jancio, na driver ng jeep.

Binangga umano ng isang Unicab bus na biyaheng Alabang-SM Fairview at may plate number na TXU 738 ang gilid ng jeep habang binabagtas ang bahagi ng Commonwealth Avenue.

Katwiran ng driver ng bus na si Joseph de Araja, sinagi siya ng isang mini bus na agad humarurot matapos ang aksidente.

Naplakahan naman ni Araja ang nasabing mini bus bago tuluyang makalayo at ang plate number nito ay TXT 101.

Nagdulot ng maagang pagsisikip sa daloy ng trapiko sa elliptical road ang nasabing aksidente.

TAGS: accident along commonwealth avenue near philcoa, accident along commonwealth avenue near philcoa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.