Basura sa Maynila, kapaki-pakinabang na sa mga Manileño

By Noel Talacay October 26, 2019 - 11:49 PM

Photo Credit: Unilever Philippines | FB photo

Naglunsad ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng isang programa na tutugon sa problema sa basura.

Araw ng Biyernes, Oct. 25, pormal na inilunsad ang proramang “Kolek, Kilo, Kita para sa Walastik na Maynila” sa Balut, Tondo.

Ayon kay Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, layunin ng nasabing programa na maengganyo ang mga taga-lungsod na magtipon at magsinop ng kanilang mga basura.

Aniya ang bawat kilo ng basura ay may kapalit na produkto ng Unilever na maaari nilang magamit sa pang-araw-araw na pangangailangan.

Paliwanag ng Bise Alkalde na ang mga plastic na makakalap ng Unilever ay dadalhin sa Republic Cement at sa Cemex na gigiling sa mga nakulektang basura upang gamitin nilang panggatong sa pagluluto ng semento.

Pahayag pa niya na katuwang ng Maynila sa pagsusulong ng nasabing programa ay ang Unilever, Cemex, Republic Cement at Pasig Rehabilitation Commission.

Samantala, nagpahayag ng suporta si Unilever Philippines Chairman at CEO Benjie Yap sa Maynila, kasabay ng nakapaghikayat ng iba pang kumpanya na makipagtulungan sa komunidad at maglunsad rin ng mga programa na makakatulong sa kabuhayan at kalikasan.

TAGS: "Kolek, Basura, cemex, Kilo, Kita para sa Walastik na Maynila", Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, Republic Cement, Unilever, "Kolek, Basura, cemex, Kilo, Kita para sa Walastik na Maynila", Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, Republic Cement, Unilever

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.