CBCP official ligtas na, matapos maaksidente sa Egypt
Inanunsyo ng pamunuan ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) na nasa ligtas na kalagayan na ang isang opisyal nitong kasama sa nangyaring aksidente sa Mount Sinai, Egypt.
Ayon kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, ilang araw matapos ang naganap na bus accident, nakalabas na sa pagamutan si CBCP Secretary General Father Marvin Mejia.
Aniya si Fr. Jan Limchua ng Apostolic Nunciature sa Cairo ang nagpaabot ng naging kalagayan ni Mejia.
Nitong nakaraang Martes, Oct. 22, bumangga ang isang bus sa Saint Catherine Monastery sa Mount Sinai na lulan ang 13 mga turista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.