8 patay, 2 sugat sa pamamaril sa military base sa Siberia

By Noel Talacay October 26, 2019 - 06:18 PM

Nagsasagawa na ng isang imbestigasyon ang mga otoridad sa pamamaril sa loob ng isang military base sa Siberia nitong Biyernes ng gabi, Oct. 25 kung saan nag-iwan ito ng walong patay na Russian service members.

Nakilala ang suspek sa pamamaril na si Private Ramil Shamsutdinov, isang sundalo na miyembro ng Unit 54160.

Ayon sa paunang ulat ng Investigative Committee, biglang pinagbabaril ng suspek ang kaniyang mga kasamahan na nasa military garrison, malapit sa Chita City.

Aalamin din ng mga mga imbestigador kung may sakit ba sa pag-iisip ang suspek na sundalo o may nakaalitan sa kanyang kasamahang sundalo.

Patuloy pang nilalapatan ng lunas ang dalawa pang nasugatan sa nasabing pamamaril.

TAGS: Investigative Committee, Private Ramil Shamsutdinov, Investigative Committee, Private Ramil Shamsutdinov

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.