Freshman student ng UP Diliman, nawawala

By Dona Dominguez-Cargullo January 14, 2016 - 07:54 AM

12511926_1088920871119260_168422223_n (1)Nawawala simula pa noong Martes, January 12, 2016 ang isang estudyante ng University of the Philippines Diliman sa Quezon City.

Ayon kay Marissa Patawaran, tiyahin ng estudyanteng si Ian Jasper Calalang, 18 anyos, huling komunikasyon ni Ian sa kaniyang pamilya ang text message nito sa kaniyang magulang noong Martes ng umaga ng na nagsasabing siya ay nakarating na at nasa loob na ng UP campus.

Nakatakda sanang mag-enroll si Ian noong araw na iyon kaya may dala itong pera. Mula noong umaga ng Martes, hindi na muling na-contact ng kaniyang pamilya si Ian.

Ayon kay Patawaran, nagtungo ang magulang ni Ian sa UP para makipag-ugnayan sa pagkawala ng kanilang anak at doon nila natuklasan na bigo din itong makapag-enroll.

Sinabi ni Patawaran na mabuting bata si Ian at hindi nito ugaling hindi mag-text o tumawag man lang sa kaniyang magulang.

Nanawagan ang pamilya ni Ian sa mga posibleng mayroong impormasyon sa kaniyang kinaroroonan na mag-text o tumawag sa 0932-222-0864 at sa 0917-339-0488.

TAGS: missing UP student, missing UP student

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.