PMA nanawagan na huwag nang ipakalat ang hazing video

By Jimmy Tamayo October 26, 2019 - 01:31 PM

Nanawagan sa publiko ang pamunuan ng Philippine Military Academy (PMA) na huwag nang ikalat pa ang hazing videos ng PMA cadets.

Sinabi ni PMA Information officer Captain Cheryl Tindog nakikiisa sila sa sentimyento ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at bilang respeto na rin sa mga biktima at kanilang pamilya.

Ayon kay Tindog hindi nila alam kung sino ang nag-upload sa social media ng naturang video bagamat naiintindihan nila ang pagnanais na makatulong sa imbestigasyon.

Nauna nang kinumpirma ng PMA na ang kumalat na video ay kuha noong 2017 at 2018 bago masawi si Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio.

Isa sa kadete na makikita sa video ay na-discharged na rin sa academy sa paglabag sa kanilang honor code.

TAGS: Armed Forces of the Philippines (AFP), hazing video, Philippine Military Academy (PMA), PMA Information officer Captain Cheryl Tindog, Armed Forces of the Philippines (AFP), hazing video, Philippine Military Academy (PMA), PMA Information officer Captain Cheryl Tindog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.