Samahan ng pribadong ospital umapela sa Philhealth na huwag alisin ang kanilang akreditasyon
Umaapela ang Private Hospital Association of the Philippines sa Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) na huwag alisin ang akreditasyon ng mga pribadong ospital.
Sinabi ito ni Dr. Rustico Jimenez, pangulo ng PHAPI sa isang panayam sa radyo sa gitna ng banta ng maraming mga ospital na kakalas na sila sa Philhealth sa kabiguan nito na bayaran ang kanilang obligasyon.
Ayon kay Jimenez hindi makakayanan ng mga pribadong pagamutan na saluhin ang “unpaid accounts” na maaaring magresulta sa pagsasara at tuluyang pagtiwalag sa naturang health insurance.
Tinukoy din ni Jimenez ang posibleng epekto nito sa mga mahihirap na pasyente
Iginiit naman ng Philhealth na ang nabunyag na fraud claims ang sanhi ng pagkaantala sa pagtugon sa kanilang obligasyon sa maraming ospital.
Ayon kay PhilHealth CEO Ricardo Morales nagpapatupad ng mahigpit na proseso ang kompanya para matiyak na totoo ang mga claims.
Nauna nang lumabas ang ulat na nasa 600 na ospital ang nagbanta na hindi na magrerenew ng Philhealth accreditation pagdating ng taong 2020 dahil sa unpaid claims.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.