TikTok mobile app inakusahan na spy ng China

AP

Gustong paimbestigahan ng ilang senador sa US ang mobile application na TikTok.

Ang TikTik ay isang online application kung saan ang isang user ay pwedeng mag-upload ng music-synced videos ng hanggang sa 60 segundo.

Sa kanilang liham kay National Intelligence Director Joseph Maguire, sinabi nina Senate Democratic Leader Chuck Schumer at Republican Senator Tom Cotton na posibleng ibinibigay ng may-ari ng TikTok na ByteDance  ang isang user information sa Chinese intelligence.

Sa kasalukuyan ay mayroong 500 million users ang TikTok.

Sinabi ng naturang mga mambabatas na tulad ng Chinese telecom giant na Huawei, ang TikTok ay nagbibigay rin ng detalye ng kanilang mga users sa pamahalaan ng China.

“With over 110 million downloads in the US alone, TikTok is a potential counterintelligence threat we cannot ignore,” they wrote, urging the intelligence community to “conduct an assessment of the national security risks,” ayon kina Shumer at Cotton.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng ByteDance na walang basehan ang mga pahayag kontra sa TikTok.

Kanilang nilinaw na wala sa loob ng China ang kanilang operasyon kaya imposibleng sakupin sila ng mga batas ng nasabing bansa.

Nauna nang sinabi ng ilang ralyista sa Hong Kong na ayaw tanggapin ng TikTok ang kanilang mga video lalo’t may kaugnayan ito sa pagbanat sa pamahalaan ng China.

Nagpapatupad rin umano ng censorship ang TikTok  sa mga anti-Chinese video na mula sa Tibet at Taiwan.

Read more...