DA nanindigan na hindi ilantad ang brand name ng meat products na positibo sa ASF
Nanindigan ang Department of Agriculture (DA) na hindi nila isasapubliko ang brand ng hotdog, tocino, longganisa at ham na sinasabing nagpositibo sa African Swine Fever sa Oriental Mindoro.
Sinabi ni Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan na premature na maituturing kung ilalabas na nila ngayon ang brandname ng kumpanyang nagpositibo sa ASF ang produkto.
Nilinaw ni Cayanan na magkakasama sa iisang lalagyan ang nasabing branded meat products at ilang mga home-made na processed meat nang ito ay isailalim sa eksaminasyon.
Nauna nang naglabas ng pahayag ang Mekeni Food Corporation na dumaan sa tamang pagsusuri ng mga industry regulator ang kanilang mga produkto.
Reaksyon ito ng nasabing kumpanya makaraan silang pangalanan sa ilang mga ulat na positibo umano sa ASF.
Sa kabila nito, patuloy naman ang apela sa DA ng ilang mga processed food manufacturers na pangalanan na ang kumpanyang nagpositibo sa ASF para hindi madamay sa kontrobersiya ang buong meat industry.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.