Japeth Aguilar ikinasal na sa long-time girlfriend

Cassandra Naidas IG

Sa gitna ng tagumpay sa larangan ng basketball, isa pang aspeto ng buhay ang tinahak ni Barangay Ginebra center Japeth Aguilar.

Ikinasal na si Aguilar sa long-time girlfriend nitong si Cassandra Naidas.

Ibinahagi ng dating beauty queen ang larawan ng kasal nila ni Japeth.

Makalipas ang tatlong taon bilang magkasintahan ay ikinasal ang dalawa sa simpleng civil ceremony.

Ayon sa Miss World runner-up, “blessed” siya dahil dumating si Aguilar sa kanyang buhay.

Itinuring naman ng basketbolista ang kanyang misis na isang “amazing woman” at ang nakatakda para sa kanya.

 

Read more...