Manila Water umapela ng pang-unawa sa gitna ng service interruptions

Umapela ng pang-unawa ang isang opisyal ng Manila Water mula sa kanilang customers sa gitna ng ipinatutupad na service interruptions.

Sa isang pahayag araw ng Biyernes, hiningi ni Manila Water Business Operations Support Head Kristine Guevarra ang pakikiisa at pang-unawa ng kanilang customers dahil kulang ang ulan na bumabagsak sa Angat Dam.

Ayon kay Guevarra, ito ang dahilan kung bakit patuloy ang pagbaba ang antas ng tubig sa dam.

“Sa mga customers po ng Manila Water hinihingi po natin ang dagdag na pang-unawa at kooperasyon sa panahon ngayon na talaga pong kulang at hindi sapat yung ulan na bumabagsak sa watershed ng Angat Dam at dahil po dito patuloy na bumababa ang level ng tubig ng Angat Dam. Kailangan po nating i-manage ang supply natin para po pagdating ng mga susunod na buwan,” ani Guevarra.

Nanindigan si Guevarra na isang paraan ang service interruption para matipid ang limitadong suplay ng tubig.

“Yung ginagawa natin ngayon na rotational water service interruption schedules are actually proactive management of the limited water supply.As early as now we need to manage the limited supply to ensure to avoid a worst-case scenario in summer 2020,” ayon sa Manila Water official.

Tiniyak naman ni Guevarra sa customers na hindi hihinto ang Manila Water sa pakikipag-ugnayan sa gobyerno para makahanap ng pangmatagalang solusyon sa water crisis.

Ang rotational water service interruptions ay nagsimula na noong Huwebes.

 

Read more...