Esperon: Water shortage hindi maiiwasan hangga’t walang bagong sources

By Rhommel Balasbas October 26, 2019 - 04:11 AM

Screengrab of RTVM video

Hindi mawawala ang posibilidad na magkaroon ng water shortages sa Metro Manila hangga’t hindi nakakabuo ng bagong pagkukunan ng tubig ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon.

Sa press briefing sa Malacañang araw ng Biyernes, ipinaliwanag ni Esperon na mayroon lamang limitasyon ang tubig na pwedeng makuha ng Metro Manila mula sa Angat Dam.

Ayon sa opisyal, ginagamit din ang tubig sa Angat Dam para sa irigasyon sa Bulacan at Pampanga, sa bulk water para sa San Miguel Corporation patungong Bulacan at iba pang lugar, bukod pa sa ibinibigay sa Maynilad at Manila Water.

Hangga’t hindi umano tumataas ang antas ng tubig sa Angat Dam ay mananatili ang shortage dahil hindi naman kontrolado ng tao ang panahon at ulan.

Sinabi ni Esperon na sa nakaraang Cabinet meeting ay inatasan ang mga ahensya ng gobyerno na humanap ng ibang pagkukunan ng tubig tulad ng Kaliwa o Wawa dam.

Itinuro rin ang Laguna Lake na immediate source ngunit maraming problema dahil lumalabas na mahal ang paglilinis ng tubig nito dahil sa hindi na magandang kalidad.

Dahil dito, hangga’t walang bagong water source ay malaki umano ang tyansa na mayroong shortages sa tubig.

“Until the time that we won’t be able to develop other resources, then we have the possibility of water shortages every now and then,” ani Esperon.

Ayon pa kay Esperon, bahagi na rin ng tintingnang solusyon ay ang paglilinis sa Laguna Lake sa pamamagitan ng dredging.

Samantala, inalala ni Esperon ang paggamit ng administrasyon noon ni Fidel Ramos sa Umiray River sa Quezon Province para itaas ang water level sa Angat Dam.

Hanggang kahapon, araw ng Biyernes, pumalo na lang sa 185.64 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam, mababa sa high-normal operating level na 210 meters.

 

TAGS: Angat Dam, kaliwa dam, laguna lake, National Security Adviser Hermogenes Esperon, water shortages, water source, wawa dam, Angat Dam, kaliwa dam, laguna lake, National Security Adviser Hermogenes Esperon, water shortages, water source, wawa dam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.