Pinayuhan ng Indonesia ang mga Pinoy na magkaroon ng bakuna kontra polio sa layong hindi kumalat ang sakit.
Ayon sa Philippine Embassy sa Jakarta, inatasan ang mga nagbabantay sa mga paliparan, pantalan at border na istriktong imonitor at ipatupad ang pag-iingat laban sa polio.
Ang Pilipino na walang bakuna ay bibigyan ng Port Health Office ng polio vaccination na kailangan babayaran ng RP45,000 o katumbas ng P170.
Nais ng Indonesia na nakapag-bakuna ang Pinoy apat na linggo bago ang biyahe sa bansa at mayroong Certificate of Vaccination.
Kapag walang bakuna ay maaaring i-deport o hindi papasukin ang Pilipino sa Indonesia.