Mga Pinoy na pupunta sa Indonesia dapat may bakuna kontra polio

By Len Montaño October 26, 2019 - 04:00 AM

Inutos ng otoridad sa Indonesia na higpitan ang bantay sa mga Pilipino na papasok sa bansa at dapat na nagpabakuna ang mga ito laban sa polio.

Pinayuhan ng Indonesia ang mga Pinoy na magkaroon ng bakuna kontra polio sa layong hindi kumalat ang sakit.

Ayon sa Philippine Embassy sa Jakarta, inatasan ang mga nagbabantay sa mga paliparan, pantalan at border na istriktong imonitor at ipatupad ang pag-iingat laban sa polio.

Ang Pilipino na walang bakuna ay bibigyan ng Port Health Office ng polio vaccination na kailangan babayaran ng RP45,000 o katumbas ng P170.

Nais ng Indonesia na nakapag-bakuna ang Pinoy apat na linggo bago ang biyahe sa bansa at mayroong Certificate of Vaccination.

Kapag walang bakuna ay maaaring i-deport o hindi papasukin ang Pilipino sa Indonesia.

 

TAGS: bakuna, indonesia, Philippine Embassy, Pilipino, Polio, bakuna, indonesia, Philippine Embassy, Pilipino, Polio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.