Higit P96M jackpot ng Mega Lotto 6/45 napanalunan

By Rhommel Balasbas October 26, 2019 - 03:58 AM

Isang maswerteng mananaya ang mag-uuwi sa higit P96.9 milyong jackpot ng Mega Lotto 6/45 araw ng Biyernes.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakuha ng lucky bettor ang winning combination na 40-36-27-03-23-20.

Ang kabuuang jackpot prize ay P96,952,481.80 ngunit mababawasan ito ng 20 percent dahil sa TRAIN Law.

Tatlumpu’t isa naman ang nakakuha ng limang numero at mag-uuwi ang mga ito ng tig-P40,190.

Samantala, dalawang mananaya ang nakakuha sa limang numero ng winning combination para sa Ultra Lotto 6/58.

Isa lang sa winning combination na 34-44-13-30-29-54 ang hindi nakuha ng dalawa kaya’t mag-uuwi sila ng P265,180 na consolation prize.

Para makuha ang premyo, kailangan lamang pumunta ng lucky bettors sa PCSO main office sa Mandaluyong at magpakita ng dalawang valid IDs.

 

TAGS: 1 bettor, Jackpot, Lotto, Mega Lotto 6/45, nanalo, pcso, winning combination, 1 bettor, Jackpot, Lotto, Mega Lotto 6/45, nanalo, pcso, winning combination

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.