M3.2 aftershock naitala sa Cotabato

Patuloy ang aftershocks kasunod ng malakas na magnitude 6.3 na lindol sa Cotabato noong October 16.

Pinakahuli ang magnitude 3.2 na lindol na naitala alas 1:14 Sabado ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng pagyanig ay sa bayan ng Tulunan.

Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 8 kilometro.

Wala namang inaasahang pinsala sa ari-arian ang lindol.

 

Read more...