Malacañang: Japan malaki ang respeto kay Duterte

By Rhommel Balasbas October 26, 2019 - 03:37 AM

Presidential photo

Pinabulaanan ng Palasyo ng Malacañang ang mga alegasyon na naitsapwera si Pangulong Rodrigo Duterte sa enthronement ni Japanese Emperor Naruhito.

Sa pahayag araw ng Biyernes, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi totoong hindi pinansin ang presidente sa Japan na dahilan ng maagang pag-uwi nito sa bansa.

Sa katunayan, sinabi ni Panelo na ang pangulo lamang ang lider na binigyan ng bulletproofed vehicle at sinalubong pa ito sa airport.

Giit ng kalihim, malaki ang respeto ng Japanese government sa presidente.

“In fact, si Presidente lang yata, you can count on your fingers, ang binigyan ng bulletproofed vehicle at sinalubong din siya sa airport. Ang laki ng respeto ng Japanese government kay Presidente,” ayon kay Panelo.

Ayon sa mga kritiko, pineke lang ni Duterte ang sakit na nararamdaman sa likod kaya’t maagang umuwi sa bansa at nakadiretso pa sa burol ng yumaong dating Senate President Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr.

Pero ayon kay Panelo, kitang-kita sa mukha ng pangulo ang pag-inda sa sakit ng likod at nagsabi pa mismo ito sa kanya.

“In fact tinanong ko siya, sabi ko ‘Were you able to sleep?’ Sabi niya, ‘Yes.’ ‘Eh bakit ganoon ang mukha mo. Sabi niya, ‘Grabe ang sakit, eh’,” ani Panelo.

Hinimok pa umano ni Panelo ang Chief of Presidential Protocol and Presidential Assistant on Foreign Affairs na si Robert Borje na ilabas ang mga larawan nang pag-inda ng sakit ni Duterte.

Gayunman, tumanggi anya si Borje dahil masama talaga ang mukha ng presidente.

Pero ayon kay Panelo, mas dapat ngang ilabas ang mga larawan para makita ng publiko.

 

TAGS: bulletproofed vehicle, enthronement, itsa-pwera, Japan, Japanese Emperor Naruhito, Rodrigo Duterte, bulletproofed vehicle, enthronement, itsa-pwera, Japan, Japanese Emperor Naruhito, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.