Duterte pinayuhan ng ilang lider ng ibang bansa na ingatan ang kalusugan nito
Nagpahayag ng pag-aalala ang ilang lider ng ibang bansa sa kalagayan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pinayuhan ng ilang world leaders si Duterte na ingatan ang kalusugan nito.
Ito ay matapos na hindi nagtagal ang pangulo sa Japan at umuwi na ito sa Pilipinas dahil sa pananakit ng kanyang likuran.
Ipinarating nina Japanese Prime Minister Shinzo Abe, bagong luklok na si Emperor Naruhito, Thailand Prime Minister Prayut Chan-o-cha at Myanmar State Counsellor Aung San Suu Kyi kay Davao City Mayor Sara Duterte ang kanilang pag-aalala sa pangulo.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, umaasa si Abe na gagaling agad si Duterte habang si Suu Kyi ay nagpaalala sa pangulo na hindi na ito bata at dapat iwasan ang mga aktibidad gaya ng pagsakay sa motorsiklo.
Pumunta si Duterte sa Japan para sa enthronement ni Emperor Naruhito pero nakadanas ito ng back pain kaya umuwi na sa bansa.
Una nang sinabi ng Malakanyang na muscle spasm lamang ang naranasan ni Duterte at pinayuhan itong magpahinga at uminom ng pain relievers.
Ayon sa mga doktor, may kaugnayan ang pananakit ng likuran ng pangulo sa pagsemplang nito sa motorsiklo noong nakaraang linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.