Publiko pinaiiwas sa pamimiyesta sa Barretto sisters at sa tsismis sa showbiz

By Rhommel Balasbas October 26, 2019 - 03:14 AM

Hinimok ng isang Catholic bishop ang publiko na iwasan ang tsismisan at ang pamimiyesta sa mga showbiz issues.

Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, walang panahon ang bansa para pag-usapan ang Barreto sisters at ang mga kontrobersiya sa show business.

“We do not have the luxury of time to talk about what’s happening with the Barretto sisters or the ‘chismis’ in showbiz,” ani Alminaza.

Mas mahalaga anya na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na may kinalaman sa usaping panlipunan, pangkalikasan, espiritwal at moral lalo’t nasa ‘state of emergency’ ang bansa.

Ayon pa sa obispo, dapat ay palaging handa ang mga mamamayan na tumugon sa emergency situations.

“We should really be in panic. We cannot just live as if its business as usual. We should always be on our toes, always trying to respond to the emergency situation,” ayon kay Alminaza.

Ang pahayag ng obispo ay matapos gumawa ng ingay sa traditional social media ang awayan ng mga aktres at magkakapatid na Gretchen, Claudine at Marjorie sa burol mismo ng kanilang ama na si Miguel.

 

TAGS: Barretto sisters, iwasan, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, showbiz, tsismis, Barretto sisters, iwasan, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, showbiz, tsismis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.