Locsin: Drug war mas lalong dapat ituloy kung tingin ni Robredo ay palyado ito

Naniniwala si Foreign Affairs Sec. Teddy Boy Locsin Jr. na mas lalo lang ipagpatuloy ang giyera kontra droga ng administrasyong Duterte.

Sa isang tweet araw ng Biyernes, sinabi ni Locsin na mas lalong hindi dapat sukuan ang drug war kung sa tingin ni Vice President Leni Robredo ay bigo ito.

Una nang sinabi ng bise presidente sa panayam ng Reuters na palyado ang drug war at nananatiling talamak ang droga sa lipunan.

Dahil sa banat ni Robredo, hindi napigilan ni Locsin na tanungin kung konektado ba ang bise presidente sa Mexican drug lord na si El Chapo.

Si El Chapo o Joaquin Archivaldo Guzman Loera ang pinuno ng Siniloa drug cartel.

Nagkomento naman si Sen. Panfilo Lacson sa banat ni Locsin kay Robredo at sinabing baka nais lamang ng bise presidente na magkaroon ng pagbabago sa istratehiya ng drug war.

Sinegundahan ng senador ang sinabi ng DFA secretary na hindi dapat ihinto ang giyera kontra droga.

Marami ang bumabatikos sa drug war ng administrasyon dahil sa umano’y pambibiktima lamang sa mahihirap na sinabi rin ni Robredo sa panayam ng Reuters.

Una nang nagbalak ang United Nations Human Rights Council (UNHRC) na magpasa ng isang resolusyon na mag-iimbestiga sa umano’y madugong giyera kontra droga ng bansa.

Read more...