Babae patay sa pamamaril sa Maynila

Dead on the spot ang isang babae matapos itong barilin sa ulo ng isang suspect sa Railroad Street, Barangay 650 sa Port Area, Manila pasado 10:00 Biyernes ng gabi.

Binaril ang biktima na kinilalang si Roselle Mae Opada, 26, na dumating sa Maynila mula Pampanga tatlong araw pa lang ang nakakalipas para bisitahin ang kinakasamang si Saed Baguilan.

Naglalakad si Opada kasama ang kanyang live-in partner nang bigla itong bumulagta matapos barilin ng nag-iisang suspect.

Ayon kay Baguilan, madilim sa kalsada kaya hindi niya nakita ang suspect.

Bigla umanong nakarinig ng putok ng baril ang lalaki at nakita na lang nitong nakahandusay na ang babae.

Iniimbestigahan ang pagka-kilanlan ng salarin at motibo sa krimen.

 

Read more...