Babae patay sa pamamaril sa Maynila

By Len Montaño October 26, 2019 - 01:31 AM

Dead on the spot ang isang babae matapos itong barilin sa ulo ng isang suspect sa Railroad Street, Barangay 650 sa Port Area, Manila pasado 10:00 Biyernes ng gabi.

Binaril ang biktima na kinilalang si Roselle Mae Opada, 26, na dumating sa Maynila mula Pampanga tatlong araw pa lang ang nakakalipas para bisitahin ang kinakasamang si Saed Baguilan.

Naglalakad si Opada kasama ang kanyang live-in partner nang bigla itong bumulagta matapos barilin ng nag-iisang suspect.

Ayon kay Baguilan, madilim sa kalsada kaya hindi niya nakita ang suspect.

Bigla umanong nakarinig ng putok ng baril ang lalaki at nakita na lang nitong nakahandusay na ang babae.

Iniimbestigahan ang pagka-kilanlan ng salarin at motibo sa krimen.

 

TAGS: binaril, dead-on-the-spot, live in partner, manila, patay sa pamamaril, port area, ulo, binaril, dead-on-the-spot, live in partner, manila, patay sa pamamaril, port area, ulo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.