Bentahan ng processed meat products bumagsak dahil sa ASF

By Len Montaño October 26, 2019 - 01:18 AM

Umaaray ang mga nagtitinda ng hotdog, longganisa, tocino at iba pang processed meat products dahil sa pagbagsak ng kanilang kita dahil sa African Swine Fever (ASF).

Ayon sa ilang tindero, nasa 30 porsyento ang ibinaba ng kanilang benta dahil sa naturang sakit ng baboy.

Sinabi naman ng Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI) na malawakan na ang epekto ng ASF sa kanilang sales kung saan bilyong piso na ang kanilang lugi.

Ayon kay PAMPI spokesman Rex Agarrado, 66 sa 81 probinsya sa bansa ang nagpatupad na ng ban sa processed meat products.

Ito ay sa gitna ng ulat na ilang processed meat products mula umano sa Mindoro ang positibo sa ASF.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), karamihan sa mga kontaminadong produkto ay home-made pero may kasamang isang branded na processed meat products na ayaw pangalanan ng ahensya dahil sa patuloy na pagsusuri.

Ilang beses nang iginiit ng gobyerno na walang banta sa kalusugan ng tao ang ASF kahit makakain pa ng hotdog, longganisa o tocino na may virus.

 

TAGS: African Swine Fever, benta, hotdog, kita, Longganisa, lugi, PAMPI, processed meat products, tocino, virus, African Swine Fever, benta, hotdog, kita, Longganisa, lugi, PAMPI, processed meat products, tocino, virus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.