PNP IAS iniimbestigahan ang pagkamatay ng 60 inmates sa Dasmariñas, Cavite
Umabot na sa 60 inmates sa istasyon ng pulisya sa Dasmariñas, Cavite ang namatay mula noong Enero hanggang Oktubre ngayong taon.
Iniimbestigahan na ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang dahilan ng pagkamatay ng 60 inmates habang nasa kustodiya ng Dasmariñas City Police Station.
Ayon sa pulisya, ang mga inmates ay namatay dahil sa mga sakit gaya ng tuberculosis at pneumonia.
Nabatid na ang mga preso ay nagkasakit habang nakakulong.
Noong kasagsagan ng tag-init noong Marso ang pinakamaraming namatay na kinabibilangan ng 15 preso.
Sa ngayon ay apat na inmates ang naka-confine pa sa ospital.
Bilang tugon, nagdagdag ng mga electric fans sa kulungan, naglagay ng exhaust fan at ginawa ng kada linggo mula sa kada buwan ang schedule ng check-up ng mga inmates.
Bukod dito ay mayroong mga proyekto ang lokal na pamahalaan para maresolba ang problema sa siksikan sa kulungan sa pamamagitan ng pagtatayo ng bagong jail facility.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.