Martial law sa Mindanao posibleng hindi na palalawigin – Esperon
Posibleng hindi na irekomenda ang muling pagpapalawig sa umiiral na martial law sa Mindanao.
Ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., pinag-aaralan nila ngayon ang ilang developments sa Mindanao.
Kung maipapasa aniya ang Human Security Act sinabi ni Esperon na hindi na kakailanganin pa ang martial law extension.
Sa December 31, 2019 ay mapapaso na ang deklarasyon ng martial law sa MIndanao.
Una itong idineklara ni Pangulong Duterte matapos ang pagkubkob ng Maute Terror Group sa Marawi City.
Mula noon ay tatlong beses nang napalawig ang martial law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.