Pagbabanta sa doktor na sumali sa PGH rally kinondena ng CHR
Kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga pagbabantang natatanggap ni Dr. Gene Nisperos at kaniyang pamilya matapos magsalita hinggil sa binawasang budget ng Philippine General Hospital.
Sa pahayag ng CHR, ang mga pagpapahayag ng kritisismo sa polisiya ng gobyerno ay hindi dapat tugunan ng pananakot.
Sinabi ni CHR Spokesperson Jacqueline De Guia, may karapatan ang sinuman na maghayag ng opinyon.
Maari ding manawagan sa gobyerno ang sinuman kung sa tingin nito ay mayroong human rights concern na dapat tugunan ng pamahalaan.
Hinimok din ni De Guia ang gobyerno na pagtuunan ng pansin ang public health care system sa bansa lalo pa at may mga naitatalang outbreak ng iba’t ibang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.