Bilang ng bar examinees para sa November Bar Exams umabot sa 8,245
Pinal na ang listahan ng mga maaring kumuha ng pagsusulit para sa 2019 Bar Examinations sa Nobyembre.
Ayon kay Supreme Court Public Information Office chief, Atty. Brian Hosaka, matapos ang ginawang pagsasala sa mga aplikante, umabot sa 8,245 ang napagkalooban ng bar permit.
Mas mababa ang bilang kumpara sa 8,710 na examinees noong nakaraang taon.
Pero ayon sa SC ang bilang ng mga kukuha ng pagsusulit ngayong taon ay kabilang pinakamataas na bilang na naitala ng SC sa mga nagdaang taon.
Isasagawa ang bar exams sa UST sa apat na magkakasunod na Linggo ng Nobyembre o sa November 3, 10, 17 at 24.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.