Ayon sa ahensya, ito ay matapos lagdaan ni LTO Assistant Secretary Edgar Galvante at Senior Vice President at Head ng PLDT and Smart Enterprise Business Groups na si Jovy Hernandez ang kontrata.
Magkakabit na ng Smart Wi-Fi hotspots sa mga tanggapan ng LTO sa buong bansa.
Ayon kay Galvante, makatutulong ang libreng Wi-Fi para mas mapagbuti ang kanilang serbisyo sa mga kliyente.
Sa unang bahagi ng proyekto, nasa animnapu’t apat na opisina ng LTO sa buong bansa ang malalagyan ng hotspot.
Sa nasabing bilang, dalawampu’t dalawa rito ay nasa Metro Manila.
READ NEXT
Manileño libre ang dialysis treatment sa bagong bukas na Flora V. Valisno de Siojo Dialysis Center
MOST READ
LATEST STORIES