Manileño libre ang dialysis treatment sa bagong bukas na Flora V. Valisno de Siojo Dialysis Center
Libre na ang pagpapa-dialysis sa mga residente sa Maynila.
Ayon kay Manila Public Information Office chief Julius Leonen ang bagong bukas na Flora V. Valisno de Siojo Dialysis Center ay libreng magagamit ng mga Manileño.
Ang bagong bukas na dialysis center ang pinakamalaking free dialysis facility sa bansa.
Sinabi ni Leonen magagamit naman ng mga residente mula sa ibang lugar ang dialysis center pero may bayad.
Tanging ang mga lehitimong residente lamang ng Maynila ang libreng makakapagpa-dialysis sa pasilidad.
Ayon kay Leonen, 90 dialysis sessions ang masasakop ng PhilHealth coverage habang ang nalalabi pang treatments ay sasagutin na ng local government ng Maynila.
Bawat dialysis sessions ay aabot sa P2,200 hanggang P5,000 ang halaga sa mga pribadong ospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.