Ayon kay MMDA Chairman Danny Lim ito ang kanilang ambag para sa maayos at payapang paggunita ng milyong milyong residente ng Metro Manila ng Undas ngayon taon.
Sinabi ni Lim, 2,300 sa kanilang mga tauhan ang kanilang ipapakalat simula sa Oktubre 30 hanggang Nobyembre 4 sa mga piling lugar sa Metro Manila, partikular na sa mga libingan, transport terminals, pangunahing kalsada at simbahan.
Ipatutupad naman ayon pa sa opisyal ang no day off, no absent policy sa kanilang mga tauhan mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 4.
Pagtitiyak pa ni Lim magpapatuloy pa rin ang kanilang road and sidewalk clearing operations para mabawasan ang matinding abala sa mga pasahero at motorista.
Bukod dito tutulong din sila sa pagpapanatili ng kalinisan sa loob at labas ng mga sementeryo at memorial parks.