MMDA magpapakalat ng 2,300 na tauhan sa mga lansangan at sementeryo
Ikakasa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang “Oplan Kaluluwa 2019” sa paggunita ng Undas sa susunod na linggo.
Ayon kay MMDA Chairman Danny Lim ito ang kanilang ambag para sa maayos at payapang paggunita ng milyong milyong residente ng Metro Manila ng Undas ngayon taon.
Sinabi ni Lim, 2,300 sa kanilang mga tauhan ang kanilang ipapakalat simula sa Oktubre 30 hanggang Nobyembre 4 sa mga piling lugar sa Metro Manila, partikular na sa mga libingan, transport terminals, pangunahing kalsada at simbahan.
Ipatutupad naman ayon pa sa opisyal ang no day off, no absent policy sa kanilang mga tauhan mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 4.
Pagtitiyak pa ni Lim magpapatuloy pa rin ang kanilang road and sidewalk clearing operations para mabawasan ang matinding abala sa mga pasahero at motorista.
Bukod dito tutulong din sila sa pagpapanatili ng kalinisan sa loob at labas ng mga sementeryo at memorial parks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.