Department of OFWs pangontra sa human trafficking at illegal recruitment syndicates ayon kay Sen. Bong Go

By Jan Escosio October 25, 2019 - 05:26 PM

Umaasa si Senator Christopher Go na bago matapos ang taon ay maipapasa na ang panukala para sa pagtatag ng Department of OFWs.

Sinabi ni Go na nagpupulong na ang technical working group sa Senado para sa magiging mandato ng bubuuin na bagong kagawaran.

Nabanggit ni Go ang kanyang panukala nang makauwi mula sa Middle East ang higit 60 OFWs na nabiktima ng human trafficking at illegal recruiter.

Ayon sa senador magiging panagunahing mandato ng itatatag na kagawaran ay bigyan proteksyon at pangalagaan ang karapatan ng lahat ng Filipino na nasa ibang bansa.

Dagdag pa nito mas magiging matalas na rin ang pangil ng gobyerno laban sa mga sindikato na nambibiktima ng mga Filipino na nangangarap lang makapag trabaho at kumita ng mas malaki sa ibang bansa.

Paliwanag pa ni Go, pag iisahin na lang sa Department of Overseas Filipinos ang mandato ng OWWA, POEA, Commission on Filipino Overseas (CFO), International Labor Affairs Bureau ng DOLE at National Reintegration Center for OFWs (NRCO).

Ililipat din ang kapangyarihan ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs ng Department of Foreign Affairs at lahat ng Philippine Overseas Labor Offices ng DOLE sa bagong kagawaran.

TAGS: Department of OFW, OFWs, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Senate, senator bong go, tagalog news website, Department of OFW, OFWs, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Senate, senator bong go, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.